Liongo
(Mito mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino Ni Roderic P. Urgelles
Sinuri ng Ikalimang Pangkat (10 - Chlorine)
Pagsusuri sa May-akda
Ang mga mito ay kadalasang nagpasalin dila sa mahabang panahon kaya't hindi naging tiyak ang gumawa nito. At marahil dahil din sa katandaan, hindi na batid o kilala ang tunay na may-akda ng mitong Liongo.
Ito ay isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles. Si Roderic ay kilala sa pagsasalin ng mga akda tulad ng Maaaring lumipad ang Tao, Mula sa mga Anekdota ni Saadi, Mullah Nassreddin, atbp.
Uri ng Panitikan
Ang Liongo ay isang uri ng mito. Ang mito at isang uri ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng mundo o pagkakabuo ng mundo, at diyos. Ang mito ay may kaugnayan sa alamat sapagkat ito ay tumatalakay sa pinaggalingan ng mga bagay bagay sa mundo.
Layunin ng Akda
Layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol sa sinaunang mga kultura, tradisyon at paniniwala na namayagpag noon na maaaring buhay pa rin hanggang ngayon sa bansang Kenya. Naglalayon din itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa.
Tema o Paksa ng Akda
Ang tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang mga kwento at panitikan na ating nababasa. Naipakita dito ang diwa ng kabayanihan at pagiging matatag sa buhay. Ito ay tungkol kay Liongo, sa kanyang buhay at iba't ibang pagsubok na kanyang kinaharap kung paano niya ito nilagpasan.
Mga Tauhan sa Mitong Liongo
• Liongo- isang mitolohiyang bayani sa silangan ng kenya; isa ring hari; malakas at malahiganteng lalaki; Isa ring kilalang mahusay na manunulat at makata
• Mbwasho- ina ni Liongo; ang tanging nakaaalam ng sikreto ng kanyang anak
•Haring Ahmad- pinsan ni Liongo; pumalit na hari at ang nagpabilanggo sa kanya
•Watwa- kasamang nanirahan ni Liongo sa kagubatan
Mga Tagpuan at Panahon sa Akda
• Unang sibilisasyon ng Kenya - maaring nangyari o naganap ito noong sinaunang panahon dahil ito'y isang mito
• Kenya - isa sa pitong bayan dito pinanganak si Liongo
• Ozi at Ongwana - matatagpuan sa Tana Delta; pinamunuan ni Liongo
• Shanga sa Fosa - sa Isla ng Pate; pinamunuan din nya
• Bilangguan - kung saan si Liongo ikinulong
• Kagubatan - dito nanirahan si Liongo kasama ang mga Watwa pagkatakas nya sa pagkakabilanggo
• Kenya - isa sa pitong bayan dito pinanganak si Liongo
• Ozi at Ongwana - matatagpuan sa Tana Delta; pinamunuan ni Liongo
• Shanga sa Fosa - sa Isla ng Pate; pinamunuan din nya
• Bilangguan - kung saan si Liongo ikinulong
• Kagubatan - dito nanirahan si Liongo kasama ang mga Watwa pagkatakas nya sa pagkakabilanggo
Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari ng Akda
• Simula- Si Liongo ay ipinanganak sa isa sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng Kenya.
• Saglit na Kasiglahan- Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na naunang napunta sa kanyang pinsan na si Haring Ahmad.
• Tunggalian- (tao laban sa tao) Ikinadena at ikinulong ni Haring Ahmad si Liongo sa kagustuhan nyang mawala na ito.
• Kasukdulan- Dahil sa pag awit ng mga tao sa labas ng bilangguan nakalag ang tanikala niya. Nang makatakas ay nanirahan na sa kagubatan at nagsanay gumamit ng busog at palaso.
• Kakalasan- Si Liongo ay nagtagumpay sa isang paligsagan kung saan ang hari pala ang may pakana. Dahil dito ipinakasal ng hari ang kanyang anak na babae upang maging kabilang ito ng kanyang pamilya.
•Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na siya ding nagtaksil at pumatay sakanya.
• Saglit na Kasiglahan- Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na naunang napunta sa kanyang pinsan na si Haring Ahmad.
• Tunggalian- (tao laban sa tao) Ikinadena at ikinulong ni Haring Ahmad si Liongo sa kagustuhan nyang mawala na ito.
• Kasukdulan- Dahil sa pag awit ng mga tao sa labas ng bilangguan nakalag ang tanikala niya. Nang makatakas ay nanirahan na sa kagubatan at nagsanay gumamit ng busog at palaso.
• Kakalasan- Si Liongo ay nagtagumpay sa isang paligsagan kung saan ang hari pala ang may pakana. Dahil dito ipinakasal ng hari ang kanyang anak na babae upang maging kabilang ito ng kanyang pamilya.
•Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na siya ding nagtaksil at pumatay sakanya.
Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
• Hindi kaagad sumuko si Liongo nang ikinadena siya, sa halip ay nag-isip pa siya ng paraan upang makatakas. Maging matatag sa bawat problemang ating kakaharapin dahil bawat problema ay nalalampasan ito man ay malaki o maliit.
• Nagbibigay ng aral ang mito na ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagkakatiwalaan mo ang mga taong nakapaligid sa iyo kahit na ito'y iyong kadugo o mahal sa buhay. Naipakita sa akda ang papagtatraydor at pagsira ng tiwala ng mga ibang tao.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Mga Teoryang Pampanitikan
• Teoryang Klasismo- ang kwento ng akdang Liongo ay ang karaniwang kwento ng mga bayani na malalakas at hindi madaling natatalo sa laban. Ang ganitong mga istorya ay hindi kailanman naluluma o nalalaos.
• Teoryang Realismo- sa akdang ito ginamit ng kanyang pinsang si Haring Ahmad ang kanyang kapangyarihan upang ipadakip si Liongo. Ang ganitong mga pangyayari ay totoong nagaganap maraming may mga kapangyarihan ang inaabuso ang kanilang lakas. Isa rin itong representasyon na kahit ang sarili nating kadugo ay kaya tayong talikuran at lokohin.
• Teoryang Eksistensyalismo- ito ay dahil nagawang mag desisyon ni Liongo para sa kanyang sarili ang manirahan na lamang sa kagubatan matapos niyang makatakas.
Buod
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
No comments:
Post a Comment